Maaaring maihahalintulad ang mga suliraning
ikinakaharap ng Brazil at ng Pilipinas.
Ang pangunahing suliraning kinakaharap ng Pilipinas sa
kasalukuyan ay ang kahirapan. Hindi na naman lingid sa kaalaman ng karamihan
ang paglaganap ng kahirapan sa Pilipinas. Maraming taong nagugutom, namamatay
at pumapatay dahil lamang sa kakulangan.
Ang Brazil ay isa sa mga bansang may magandang
industriya, ngunit kilala din ito dahil sa hindi pantay ang distribusyon ng
kita ng bansa sa mga mamayan nito. Maunlad ang industriya sa mga pook na
urbanisado ngunit ang kahirapan sa rural na mga bahagi ng Brazil ay maaaring
ihalintulad sa Africa at ibang bahagi ng Asya.