Panuto A:Basahing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung ang pahayag ay naglalahad ng Opinyon at ekis (X) naman kung hindi.
__________1. Sa aking palagay, as na mapagmahal sa kanyang pamilyang kinagisnan ang mga Pilipino.
__________2. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo at pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa Pilipinas lamang makikita.
___________3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012 sa makabagong panahon ngayon, ang kaugaliang Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin.
___________4. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon.
___________5. Para sa akin, ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng paghubog sa isang tao at maaaring maging isang sandigan ng isang bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas.
__________6. Magkaisa at magtulungan tayong lahat upang malampasan natin ang pagsubok na dulot ng pandemya.
__________7. Ang mga kabataan ngayon ay mas masaya sa paglalaro ng online games kaysa sa pakikipaglaro sa kapwa niya bata.
_________8. Sa palagay ko, makabubuting harapin muna natin ang problema sa wastong pagtatapon ng mga basura.
_________9. Upang ang isang pamayanan ay ganap na maprotektahan, ang karamihan sa mga miyembro ng pamayanan ay kailangang makakuha ng bakuna.
_________10. Para sa akin, nakabubuting magsuot ng face mask at face shield upang makaiwas sa sakit na COVID-19.