Sagot :
Ano ang nais makamit ni pangulong rousseff sa kanyang pamumuno sa Brazil ?
Mga mithiin ni pangulong Rouseff para sa bansang Brazil.
- Pangarap ni Rouseff na magkaroon ng magandang buhay ang lahat ng tao bansang Brazil.
- Ipinapatupad ni Rouseff ang zero Hunger sa bansa.
- Gusto ni Rouseff na magkakaroon ng electricity ang lahat na household sa bansa.
- Demokrasya.
- tumaas ang pag-eksport, bumaba ang utang ng gobyerno, tumaas ang “international reserves”, napanatili ang mababang “inflation” at tumaas ang pamumuhunan o “investment”.
- Housing schemes - Ang “My House, My Life” ay ang programa kung saan nakinabang ang mga nangangailangang pamilya.
- Pagtaas ng lebel ng trabaho para sa lahat.
- Mas malawak na access para sa edukasyon .
Si Pangulong Rouseff ay hindi titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Alam ni pangulong Dilma Rouseff na Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ay layunin ni pangulong Dilma Rouseff at isa sa mga pangarap at pagsisikapan niyang maisakatuparan. Ang pagsugpo nang labis na kahirapan, pagbigay ng priyoridad ng mahabang panahong pagpapaunlad ang ilan din sa mga pangarap ni Pangulong Rouseff dahil ang mahabang panahong pagpapaunlad at pamumuno ay lilikha ng mga magandang bagay katulad ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon. Ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya at pagpapatuloy ng pagpalakas ng panlabas na pondo upang matiyak na balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito.
Ang mga kahanga-hangang katangian ni Dilma Rousseff ay ang sumusunod:
- Matapang na humarap sa dictatorial na pamumuno kahit nasa panganib ang kanyang buhay handa niyang itaya para sa kanyang bayan.
- May paninindigan at handing humarap sa totoong problema sa lipunan.
- Responsible at may determinasyon sa buhay.
- Handang mamuno para sa kanyang bayan.
- Marunong sa mga political na aktibidad.
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang mga links sa ibaba:
https://brainly.ph/question/1767858
https://brainly.ph/question/1771489
https://brainly.ph/question/216504