Sagot :
Answer:
Maipapakita ko ang kabutihang panlahat kung mayroon akong paggalang at respeto sa ating kapuwa. Kasabay nito ang pagtulong sa kanila lalo na kung sa panahon ng pangangailangan. Sisikapin na magkaroon ng magandang ugnayan sa iba at panatilihin ang kapayapaan. Gayundin, isasama ko sa mga panalangin ko ang lahat ng tao dahil pagpapakita ako ng pag-ibig.
Explanation:
Mahalaga ipakita ang kabutihan sa lahat ng tao, kung saan hindi dapat tayo magtatangi. Kailangan natin na lakipan ito ng pagmamahal at pagmamalasakit sa iba. Kaya tayo man ay isang estudyante o hindi man, mahalaga na magkaroon o magpakita ng magandang katangian sa mga taong nasa paligid natin. At makiisa sa mga gawain at aktibidad may kaugnayan sa ating komunidad. Kasama rin ang pagpapakita ng maayos na pakikitungo sa mga taong makakausap natin.
Kaya, kahit nasaan man tayong lugar, mahalaga na magkaroon ng magandang pakikitungo sa mga ng tao. Laging isaisip ang pagiging mabuti sa lahat, lalo na kung iba ang pinagmulan ng isa. Maaari rin makapagpahayag ng mga nakakapagpatibay na mga salita sa kapuwa upang mapalapit ang ugnayan sa kanila. Kasabay rin nito, bilang isang mananampalataya, mahalaga ang pagtuturo rin sa marami na magkaroon ng kaugnayan sa Diyos dahil isang paraan ito ng pagtulong at pagpapakita ng kabutihan sa buhay ng iba.
Kailangan na magkaroon ng mahabang pagtitiis at kaunawaan. At magsisilbing gabay ito sa atin upang makapagpakita ng tamang asal sa mga taong makakasalamuha natin. Kaya sa araw-araw na pamumuhay sikapin na maging mabuti sa lahat, at gumawa ng mga hakbang upang ipadama ito sa iba.