Gawain sa Pagkatuto 3: Panuto: Mula sa mga pangungusap na matatagpuan sa ibaba ay buuin ito bilang isang talata na ginagamitan ng teknik na paghahambing at pagtutulad. Isulat ang titik S kung ito ay kabilang sa bahaging Simula, titik G kung Gitna at titik W kung Wakas. Paksa: Ang Bayabas 1. Kaya nga ang bayabas, guro at mga sundalo ay tunay na may malaking pakinabang sa ating lipunan. Pagkain at trabahong pangkaraniwan kung ituran ngunit may mabigat na ginagampanan sa mundo mong ginagalawan. 2. Maging sa ating lipunan ay may mga nilikha ring parang bayabas. Gusto mo bang malaman kung sino sila? Syempre sila ang mga sundalo at mga guro. Nagsasakripisyo sila nang sobra para sa ikabubuti ng ating bayan. Ngunit ano ipinagkatulad ng dalawang bagay na ito? 3. Bakit kaya? Siguro dahil sa masarap na lasa nito. Kapag sinisipon nga ang isang tao sinasabi ng doktor na kumain ng bayabas sapagkat napakayaman nito sa bitamina C. 4. Isa itong karaniwang prutas na matatagpuan kahit saan sa ating bansa. Ninanais itong tikman ng sinumang bata lalo na ang mga batang lumaki sa probinsiya. 5. Nakakatulong ang prutas na ito na mapunan ang pangangailangan ng mahihirap sa bitamina C para malayo sa isang karamdaman. Parehong nakatuon sila sa mga taong higit na nangangailangan. Nakahanda silang tumulong kahit walang bayad sa ngalan ng serbisyo.​

Gawain Sa Pagkatuto 3 Panuto Mula Sa Mga Pangungusap Na Matatagpuan Sa Ibaba Ay Buuin Ito Bilang Isang Talata Na Ginagamitan Ng Teknik Na Paghahambing At Pagtut class=