ano ang kalagayang panlipunan ng brazil

Sagot :

Brazil, isang bansang kilala dahil sa magandang industriya and urbanisadong lipunan. Sa katunayan, 80% ng populasyon ng bansang ito ay naninirahan na sa syudad o pook na urban.
Sa kabila ng mga katangiang ito, kilala din ang Brazil dahil sa social disparity o di pantay-pantay na pagtrato sa mamamayan dito. Laganap ang diskriminasyon sa bansang ito, inuuri ang mga tao base sa kanilang estado sa buhay.
Isa ring sosyolohikal na suliranin sa Brazil ay ang labis na kahirapan ng mga mamamayan na naninirahan sa mga natitirang pook na rural dito. Maihahalintulad ang kahirapan ng mga mamamayan ng Brazil sa mga mamamayan ng Africa at ilang bansa sa Asya.