Ano ang ibig sabihin ng setting sa kwento

Sagot :

Setting

Kahulugan

Ang setting ay isa sa mga pangunahing bahagi ng kwento. Dito nakasaad kung kailan at saan naganap ang isang pangyayri. Sa pamamagitan nito, nalalaman at higit nating nauunawaan ang isang pangyayari. Sa isang kwento, maaaring magkaroon ng isa o higit pang settings. Minsan naman, hindi ito tiyak na binabanggit sa isang kwento.

Mahalaga ang setting sa isang kwento sapagkat nakatutulong ito sa ating imahinasyon. Mas nagkakaroon tayo ng pang-unawa tungkol sa mga kaugnay na bagay ng isang kwento. Ang ibang setting ay naglalaman ng oras bukod sa lugar at araw ng pangyayari.

Mga halimbawa

Ang ilan sa mga halimbawa ng setting ay ang mag sumusunod:

  • Sa aming bayan
  • Sa Pilipinas
  • Sa loob ng paaralan
  • Noong unang panahon
  • Isang umaga, tanghali, o gabi
  • Isang tiyak na oras

Sumangguni sa sumusunod na link para sa karagdagang kaalaman tungkol sa isa sa mga halimbawa ng setting sa isang kwento (wikang Ingles) https://brainly.ph/question/256934

#LearnWithBrainly