Gawain 2:
Panuto:
1. Gumawa ng profile ng samahang kinabibilangan. Pumili ng isa sa mga
sumusunod: a pamilya b. klase sa paaralan c. barkada d. organisasyong
kinaaaniban, at iba pa.
2. Ang magiging anyo ng profile na bubuuin ay isang pahina ng scrapbook,
magasin, o iba pang malikhaing disenyo.
3. Kakailanganin mo ng mga sumusunod na kagamitan: (lumang magasin, mga
larawan na may sukat na 2x2, gunting, panulat, malinis na papel, pandisenyo
igamit ang recycled materials), pandikit, Pang kulay)
4. Bigyan ng espasyo sa pahina ang bawat kasapi. Isulat ang kanilang mga
pangalan, at idiliit ang kanilang mga larawan sa espasyong nakalaan
5. Sumulat ng maikling paglalarawan sa bawat isa Mahalagang maipakita sa
paglalarawan kung paanong namumubukod-tangi ang bawat isa sa pangkat.
6. Kailangang isa-isahin ang (a) pagkakapare pareho ng mga katangian (ano ang
katangiang taglay ng lahat) at (b) pagkakaiba-iba ng bawat isa (ano ang
nagpapabukod-tangi sa bawat isa).
7. Tiyaking maipakikita ang pagkamalikhain sa isasagawang gawain.
8. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod: a. Paano nakakatulong ang
inyong pagkakapare-pareho sa pagiging isang matatag na samahan? b. Paano
naman ninyo/mo hinaharap ang pagkakaiba-iba upang mapanatili ang
magandang samahan?​