Kagagaling lang sa paaralan ni Benjo. Niyaya siya ng kanyang kamag-aral na pumunta sa bahay nina Toto. Ang sabi ng kamag aral niya ay mayroon lang silang mahalagang gagawin. Wala pa ang nanay ni Toto. Umuwi ito sa kanilang probinsiya upang dalawin ang malayong kamag-anak kaya libreng-libre sila anuman ang kanilang gawin. Inilabas ni Toto ang isang pakete ng sigarilyo. Kinuha ang lighter at sinimulan itong sindihan. Hinitit niya ang isang stick at ibinigay ang nasa pakete sa kamag-aral. Matamang nakatingin sa kanila si Benjo nang tawagin siya ni Toto para ibigay ang isa. Tumanggi si Benjo at sinabi "Masama ito sa kalusugan at pagagalitan ako ng Nanay ko." Muli siyang inalok ngunit tumanggi siya at sinabi, diyan na kayo, uuwi na ako. Hanapin ako ng Nanay ko. Kinabukasan pagpasok sa paaralan, tinukso na si Benjo ng kanyang mga kamag-aral na duwag. Tuwing hapon, ginagawa ng mga kamag-aral niya ang ganoong gawain. Hanggang isang araw, umiiyak na humuhingi ng tulong si Toto. Tinanong ng kanyang guro kung ano ang nangyari. Sinabi ni Toto na hindi makakilos ang kanyang kamag-aral. Manhid ang buong katawan. Marahil ito dulot ng nikotina ng sigarilyo. Dinala siya sa pinakamalapit na hospital. Kinabukasan tinawag sila ng guro upang disiplinahin sa kanilang ginawa. Mula noon si Toto ay hinigpitan ng kanyang magulang dahil nalaman nila na may kinalaman siya sa pangyayari
1. sa palagay mo, duwag nga ba si benjo? bakit?
2.pano ginamit ni benjo ang kanyang isip at kilos loob?
3.Bilang mag aaral paano mo lilinangin ang iyong isip at kilos loob?