Ano ang dahilan kung bakit mayroong batas?

Sagot :

Mayroong batas upang maiwasan ang kaguluhan na dulot ng mga tao. Ito ay upang mapanatili ang kapayapaan sa isang lugar. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa dahilan kung bakit mayroong batas ay nasa ibaba.

Maraming mga batas na kailangang sundin sa isang bansa. Dahil dito, maraming tao ang nagtatanong kung ano ang mga dahilan kung bakit may batas na patuloy na ginagawa ang ating gobyerno.

Narito ang dahilan kung bakit may batas:

  • Ang layunin ng batas ay upang maiwasan ang kaguluhan na dulot ng mga tao. Ito ay upang mapanatili ang kapayapaan sa isang lugar.
  • Mayroong batas upang mapanatili ang isang patas na sitwasyon. Sa sitwasyong ito, walang lumalamang at walang natatapakan.
  • Mayroong batas upang mapanatili ang kaayusan ng kapaligiran at kalusugan ng mga hayop.
  • Bakit kailangan sundin ang batas? Ito ay kailangang sundin upang hindi ka maaresto at makulong sa bilangguan.

Halimbawa, kung walang mga batas tungkol sa kapaligiran, tiyak na magiging marumi at magulo ang kapaligiran dahil walang sinusundang kasulatan ukol sa mga nang-aabuso ng kapaligiran.

Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa.

Mga batas na tinututulan: https://brainly.ph/question/1818645

Ano ang ibig sabihin ng batas at ang halimbawa nito: https://brainly.ph/question/180463

Sino ang tuon ng batas: https://brainly.ph/question/416811