Panuto: Tukuyin ang mga pangngalang ginamit sa loob ng talata. Tukuyin kung ito'y tao, bagay, pook, hayop o pangyayari . Isulat ang sagot sa inyong papel. Napakasaya ng aming karanasan sa bukid. Isinama ako ni Itay. Kami ay nagtanim ng talong, kamatis at kalabasa. Naligo rin ako sa batis bago kami umuwi . Sa aming pag-uwi, nadaanan namin ang pinsan kong si Lino. Naglaro kami sandali at uminom ng buko. Binigyan niya rin ako ng aalagaang pusa. Ang saya ng buhay-probinsiya. Ano-ano ang mga pangngalang nabanggit sa talata?​