ano ang denotasyon at konotasyon ng umaalulong ?


Sagot :

Ang pag-alulong ay karaniwang ginagawa ng mga aso. Ang pakahulugan ng ilan tungkol sa sa salitang umaalulong ay ang mga sumusunod:
Denotasyon: Ang umaalulong ay ang paglikha ng mahabang panaghoy, hibik o iyak.
Konotasyon: Sinasabing ang pag-alulong ng isang hayop ay nangangahulugang may katakot-takot na pangyayaring naganap o ginaganap pa lamang. Dahil sa malakas na pandinig ng mga aso ay mas malakas ang kanilang pakiramdam kaysa sa mga tao, kung kaya’t mas nauuna nilang maramdaman ang panganib na dahilan ng kanilang pag-alulong.