mga akda at manunulat sa bansang kanluran?

Sagot :

              Ang Timog-Kanlurang Asya (tinatawag ding "Gitnang Silangan" dati; Ingles: Western Asia, West Asia, Southwest Asia, Southwestern Asia) ay ang timog-kanlurang bahagi ng Asya. Ang katawagang Kanlurang Asya ay kadalasang ginagamit sa mga kasulatan tungkol sa arkeolohiya ang huling bahagi ng prehistory ng rehiyon. Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig—ang Africa, Asya at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo, at Islam. Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na Moslem World at ikinakategorya bilang Arid Asya o bahagi ng Asya kung saan matatagpuan ang malalawak na disyerto at tuyong lugar mula Jordan tungong Arabia hanggang sa Iraq, Iran, at Afghanistan. Umaabot hanggang Pakistan at bahagi ng dating Gitnang Asya at Mongolia ang tinatawag na Arid Asia. Ang Kanlurang Asya ay bumubuo sa sangkatlo (1/3) ng Asya, may sukatna nasa pagitan ng 6.5 at 9.8 milyong milya kwadrado.


Mga akda at manunulat sa mga bansang kanluran:

Epiko ng Hindu
Rama at Sita--isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

Parabula ng Kanlurang Asya
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Mateo 20:1-16
Parabula ng Banga


Elehiya ng Bhutan
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya- Isinalin ni Pat. V. Villafuerte
Ang Mga Dalit Kay Maria
Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan--Amado V. Hernandez


Sanaysay ng Israel
Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at Pinaglilingkuran --Isinulat ni Gordon Fillman at isinalin sa Filipino ni Patronicio V. Villafuerte
Tilamsik ng Sining… Kapayapaan-- Magdalena O. Jocson

Nobela ng Saudi Arabia
Isang Libo’t Isang Gabi- Isinalin sa Ingles ni Richard Burton, Nirebisa ni paul Brians at isinalin sa  Filipino ni Julieta U. Rivera
Mga Patak ng Luha-Halaw sa Taare Zaaman Par (Every Child is Special) isang Bolywood Film sa India na isinulat ni Julieta U. Rivera