Ano ang ibig sabihin ng watawat ng japan

Sagot :

Ang watawat ng bansang Japan o Hapon ay makikita sa larawan sa ibaba. Ito ay parihaba na may kulay pulang-krimson na bilog sa gitna.

Ito ay opisyal na tinatawag na Nisshoki, na ang ibig sabihin ay “sun-mark flag, pero mas karaniwang tinatawag na Hinomaru, na ang ibig sabihin ay “bilog ng araw”. Inilalarawan din nito ang kilalang bansag sa bansa na, "Land of the Rising Sun". Ang Araw ay may mahalagang papel sa mitolohiya at relihiyong Hapon. Dahil pinaniniwalaan nila na ang kanilang Emperador ay inapo ng Diyos ng Araw na si Amaterasu. At na sila ang legal na tagapagmana ng pamamahala dahil sa kanilang pagiging inapo ng kanilang diyos.

Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/1194622

https://brainly.ph/question/897047

https://brainly.ph/question/1655961

View image Blt003
View image Blt003