Ano ang mensahe ng tulang "Naghihintay Ako" ni Prinsesa Nukada

Sagot :

              Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ginawa ang Tanka noong ikawalo siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
         Ang tulang " Naghihintay Ako" ay isang tanka at orihinal na akda ni Prinsesa Nukada at isinalin sa wikang Filipino ni M.O. Jocson.  Ang tula ay may mensaheng, sa gitna ng kaguluhan ng dampi ng taglagas, siya ay naghihintay at nanabik sa pagdating ng kanyang hinihintay.