tula para sa magulang na may 12 pantig at 4 saknong

Sagot :

" Magulang Ko "

Sa iba sila ay ordinaryong tao

na nagsasama at nagmamahalan

may mga anak na inaalagaan

sa bahay nilang tinitirhan

Ngunit kung sa tingin nila'y ordinaryo

sa aking tingin sila ay superhero.

Sila ay tunay na mga superhero

ito ay sa gawa man o sa salita.

Kung sila ay malapit lamang sa iba

sa akin naman ay sobrang lapit nila.

Kung sila'y mahalaga lang sa iba

sa akin naman sobrang halaga nila.

Ang mga taong para sa aki'y hero

ang mga taong sobrang lapit sa akin,

mga taong napakahalaga sa akin

ay ang tinatwag kung mga magulang.

Pagpapaliwanag:

Ang tula sa ibabaw ay isang bunga ng malikhaing pag-iisip. Ito ay orihinal na likha na may temang pagmamahal sa mga magulang.

Ang tula ay isang malikhaing obra na nagpapakita ng ibat-ibang mensahe mula sa tema at tono ng manunulat. Ang likha ay repleksyon ng mga imahinasyon o maging ng mga tunay na karanasan ng isang manunulat.

Ang halimbawa ng isang tula ay ang nasa ibabaw. Ang halimbawang tula ay mayroong apat na saknong at labing-dalawang pantig sa bawat taludtod.

Ang tema ng tula ay pagmamahal sa magulang ng mga anak. Sa tula ay mahihinuha na ang pagmamahal sa magulang ay naipapakita sa kung ano ba ang tingin ng mga anak sa kanilang mga magulang. Mapapansin sa tula ang mga salitang superhero, napakahalaga, sobrang lapit ng loob, ito ay mga salitang pang-uri mula sa isang anak na ang tinutukoy ay ang kanyang mga magulang. Ibig sabihin nito, ang tingin ng anak sa kanyang mga magulang ay hindi basta-basta at ito ay isang indikasyon na mahal niya ang kanyang mga magulang.

Para sa mga karagdagang halimbawa ng tula, sumangguni sa mga link na ito:

https://brainly.ph/question/110989

https://brainly.ph/question/225732

https://brainly.ph/question/230418

#LearnWithBrainly