ano ang konotasyon ng palaka,cherry blossoms at taglagas?

Sagot :

Ang depinisyon o katuturan ay ang pahayag ng kahulugan ng isang salita o parirala. Mga uri denotasyon, ang himatong o kahulugang literal o ang direkta o literal na kahulugang nagmumula sa diksyunaryo.konotasyon, ang pahiwatig na kahulugan o isang masinig o malikhaing pagpapakahulugan sa isang salita
   Denotasyon
 ·         Ang palaka ay isang hayop na nakatira sa mga sapa o mga ibang  anyong tubig.
 ·         Ang sakura o cherry blossoms ay isa sa mga simbolo ng bansang Hapon.
 ·         Taglagas-ay ang panahon pagkaraan ng tag-araw at bago dumating ang taglamig.
 
Konotasyon
 ·         Boses palaka- asintonado, kumanta ng wala sa tono
 ·         Cherry blossoms-ang pamumukadkad ng sakura at ang masayang hanami. Isang pangyayari na pinakaaabangan ng lahat. At isang tradisyon na taunang ipinagdiriwang at hinding-hindi pagsasawaan dahil sa kakaibang ganda na hatid nito.
 ·         Taglagas- naglaglagan ( naglagasan ang buhok)