Sagot :
Ang sagot ay demograpiya. Ang demograpiya ay ang tawag sa pag-aaral tungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon. Ang demograpiya na ito ay kilala rin bilang pag-aaral ng mga katangian ng populasyon ng mga tao. Dahil ang demograpiya ay pag-aaral ukol sa katangian ng mga tao, maraming mga tulong ang naidudulot nito sa lipunan at mundo.
Kahulugan ng Demograpiya
- Ang demograpiya ay galing sa mga salitang Griyego na ‘demos’ na nangangahulugang mga tao, at ‘graphy’ na nangangahulugang agham.
- Ang demograpiya ay ang pag-aaral tungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon.
- Ito rin ay kilala rin bilang pag-aaral ng mga katangian ng populasyon ng mga tao.
Halimbawa ng mga Katangian na Inaaral sa Demograpiya
Ang ilan sa mga katangian ng populasyon na sinusuri sa ilalim ng demograpiya ay ang mga sumusunod:
- kasarian
- edad
- trabaho
- kita
- estado sa buhay
- at iba pa
Tulong mula sa Demograpiya
Dahil ang demograpiya ay pag-aaral ukol sa katangian ng mga tao, maraming mga tulong ang naidudulot nito sa lipunan at mundo. Narito ang ilan sa ito:
- Tulong sa ekonomiya - Nagagamit ang demograpiya para malaman kung sapat ba ang progreso sa ekonomiya kumpara sa demograpiya ng populasyon. Dahil sa demograpiya, nakakapagplano rin nang maigi ang mga ekonomista.
- Tulong sa lipunan - Nagagamit ang demograpiya para malaman ang mga isyung panlipunan na kailangang agapan at solusyonan.
- Tulong sa batas at pulitika - Nagagamit ang demograpiya para malaman ng mga pulitiko ang mga prayoridad na kailangang pagtuunan ng pansin.
Iyan ang mga detalye tungkol sa demograpiya - ang tawag sa pag-aaral tungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:
Kahulugan ng demograpiya: https://brainly.ph/question/48021, https://brainly.ph/question/815788 at https://brainly.ph/question/580531