paano naiiba ang tanka at haiku sa ibang pang uri ng tula


Sagot :

Ang tanka at haiku ay parehong nagmula sa bansang Hapon. Maiikling mga tula lamang sila hindi gaya ng ibang mga tula, iyon ang kaibahan nila sa ibang mga tula. Karaniwan nang binubuo ito ng ilang linya o taludtod lamang.

Ang tanka ay literal na nagnaghulugang “maikling tula”. Binubuo ito ng limang talutod na may iba-ibang bilang ng pantig (syllable) sa bawat linya. Kilala ang tanka sa pagkaka-ayos na 5-7-5-7-7 na bilang ng pantig sa bawat talutod.

Ang haiku naman ay binubuo ng 3 taludtod. Ang pagkaka-ayos nito ay 5-7-5 na patig sa bawat talutod. Karaniwan ng hindi magkatunog ang mga huling salita sa bawat talutod. Ang kadalasang paksa nga haiku ay tungkol sa mga bagay na pamilyar sa tao, halimbawa mga paksa tungkol sa hayop o panahon.

Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/279466

https://brainly.ph/question/53011

https://brainly.ph/question/426716