Sagot :
Kabihasnan:
Ang salitang kabihasnan ay tumutukoy sa isang kabanata ng kaunlaran ng isang lipunan. Kadalasan, ito ay nasasalamin sa pagiging sibilisado ng mga mamamayang kabilang sa lipunang ito. Katunayan, may mga palatandaan upang mabatid ang pag – unlad ng isang kabihasnan. Kabilang sa mga palatandaang ito ang arkitektura, edukasyon, sining, wika, at nakamit na gawaing intelektwal at pampamahalaan.
Ano ang kabihasnan: https://brainly.ph/question/58942
Batayan ng Kabihasnan:
- pinuno at batas
- aktibong kalakalan
- sistema ng pagsulat
- mataas na antas ng agham at teknolohiya
Ang mga namumuno ang siyang unang batayan ng kabihasnan sapagkat ang pagkakaroon ng maayos na balangkas ng lipunan at pamahalaan ay kaakibat ng pag – unlad. Kapag ang mga namumuno ay maayos at organisado, idagdag pa ang mga batas na kumokontrol sa kanilang kapangyarihan, mas nagiging mabilis ang pag – unlad patungo sa kabihasnan. Sa pamamagitan ng mga batas nalilimitahan ang kapang yarihan ng mga namumuno at hindi sila mabibigyan ng pagkakataong mang abuso at maging tiwali.
Ang pagkakaroon ng aktibong kalakalan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyo na ibinibigay ng mga mamamayan ay isa ring batayan ng pag – unlad. Ang mga produktong ito ang sumusustena ng pangangailangan ng mga mamamayan ng isang lipunan at ang kakayahang maibahagi pa ang mga produktong ito sa labas ng pamayanang ito ay tunay na senyales ng pag – unlad. Gayundin, ang pagkakaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa ibang lugar ay nakadaragdag sa pag – unlad.
Ang sistema ng pagsulat ay isa ring batayan ng pag – unlad. Ang pagkakaroon ng pagbabago mula sa sinaunang cuneiform at sa sistema ng panulat sa kasalukuyan ay malaking bahagi ng pagkamulat tungo sa kabihasnan. Matapos na matutunan ng tao na magsulat, magkakaroon na rin sila ng kaalaman ukol sa pagbasa at sa pakikipagtalastasan. Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay mahalang bahagi ng kalakalan. Bukod ditto, ang mga kaalamang natamo ay maaaring magdagdag sa pagkakaroon ng mataas na antas ng agham at teknolohiya.
Ang mataas na antas ng agham at teknolohiya ang nagbigay – daan sa pagkatuto ng mas marami pang kaalaman. Ang pagiging moderno ng isang lugar ay tiyak na batayan ng pag – unlad sapagkat ang tao ay nagpapamalas ng mga pagbabago hindi lamang sa kanilang pisikal na anyo maging sa uri ng kanilang pamumuhay. Sa kasalukuyan, ang teknolohiya ang pinakamataas na salik ng kaunlaran ng bansa sapagkat ditto nagmumula ang lahat ng mga produkto at trabaho ng mga mamamayan.
Batayan ng kabihasnan: https://brainly.ph/question/46429
Limang Sinaunang Kabihasnan:
- Mesopotamia
- Ehipto
- Indus
- Huang Ho
- Mesoamerica
Ang kabihasnang Mesopotamia ay ang pinakaunang kabihasnan sa daigdig. Ito ay matatagpuan sa gitna ng dalawang ilog: Tigris at Euphrates. Ang kabihasnang ito ang nag – ugnay sa mga maliliit na pamayanang malalayo at may mahahabang ruta ng pakikipagkalakalan.
Ang kabihasnang Ehipto ay ang kabihasnang mas naging matatag kasunod ng kabihasnang Mesopotamia. Ito naman ay matatagpuan sa lambak ng Nile River na nasa Ehipto kaya ito tinawag na kabihasnang Ehipto. Ito ang kabihasnang umusbong dulot ng agrikultura at kalakalan.
Ang kabihasnang Indus ay ang kabihasnang mas kilala sa tawag na sub – kontinente ng India. Ito ay kasalukuyang binubuo ng walong bansa kabilang na ang Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, India, Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka. Ito ay pinangalanang kabihasnang Indus sapagkat ang kabihasnang ito ay nagmula sa palibot ng Indus River.
Ang kabihasnang Huang Ho ay ang kabihasnang nagsimula sa Tsina na nakaayon sa pinagsamang paniniwala ng Confucianismo at Taoismo. Ito naman ay ipinangalan sa Yellow River o Ilog ng Huang Ho. Sinasabing ang kabihasnang ito ang siyang nakapigil sa patuloy na pagbaha ng Ilog Huang Ho at nagbigay kaalaman sa mga magsasaka na makapamuhay nang maayos sa lambak.
Ang kabihasnang Mesoamerica ay nagmula sa kalagitanaan ng Amerika. Tulad ng iba pang mga kabihasnang umusbong sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ito ay umunlad dulot ng agrikultura. Ang sinaunang tao ay tinawag na Olmec na ang ibig sabihin ay mga taong gumagamit ng dagta ng puno ng rubber o goma.
Mga sinaunang kabihasnan: https://brainly.ph/question/559057