Sagot :
Iba-iba ang palagay ng mga eksperto kung bakit nagwakas ang kabihasnang Minoan. May mga nagsasabi na dahil ito sa pagputok ng isang bulkan noong panahong iyon sa isla ng Thera (Santorini). Ang iba ay nagsasabi naman na dahil sa panlulupig ng mga Mycenaean. Kaya hindi malinaw ang tunay na dahilan kung bakit nagwakas ang kabihasnang ito.
Bumuo ang mga arkeologo ng teoriya sa pagwawakas ng kabihasnang Minoan. Halimbawa ay ang pagsabog ng bulkan sa islang Thera. Ipinapalagay na isa ito sa pinakamalalakas ng pagsabog ng bulkan. Iniisip ng mga eksperto na dahil sa pinsalang naidulot ng pagsabog ng bulkan, kung kaya ang kabihasanan ay nagwakas. Maaaring nasira ang mga pananim noon at marami ang nagutom. Iniisip din nila na nagkaroon noon ng tsunami dahil sa pagputok ng bulkan, kung kaya’t maraming nasirang mga bahayan at istrutkura noong panahong iyon, na naging dahilan ng pagbagsak ng kabihasanan.
Maraming mga arkeologo din ang nagsasabi na dahil sa pagputok ng bulkan doon, naging madali para sa mga manlulupig na Mycenaean na masakop ang mga Minoan. At ipinapakita rin ng ilang ebidensya na ang isla ay tinupok ng apoy, pero hindi lahat ng mga istruktura ay nasira o nagtamo man lang ng katiting na pinsala mula sa apoy. Kaya maaaring ang dalawang teorya nilang iniisip ang dahilan kung bakit nagwakas ang kabihasnang Minoan.
Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/76599
https://brainly.ph/question/460391
https://brainly.ph/question/210899