bakit nagwakas ang kabihasnang minoan

Sagot :

Nagwakas ito ng sakupin ang knossos ng mga hindi kilalang mananalakay na sumira ng buong pamayanan.
                Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan niHaring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat. Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 B.C.E.

             Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.