Ako ay Pilipino, tayo ay Pilipino Katulad ng ating mga ninuno na may iisang puso Sa paggamit ng wikang Filipino tayo ay natuto Na bawat laban ay kailangan ng buong puso
Ipinaglalaban ang iisang paninindigan Kultura ay lubos na pinapahalagahan Handang makipaglaban Dahil ang laban ng isa ay laban ng tanan
Kaya sana ang wikang Filipino ay huwag kalimutan Sapagkat lahat tayo dito ay utang ang ating kalayaan Sa mga ninunong ibinuhis ang buhay para sa bayan At para na rin ang bayan ay magtamo ng kaunlaran