Ang paggawa ng slogan ay isa sa pinakakaraniwang patimpalak na idinadaos ng mga guro sa mga paaralan kapag mayroong pagdiriwang kagaya ng Buwan ng Nutrisyon o di kaya ay Buwan ng Wika na ipinagdidiriwang ngayong Agosto. Sa ganitong uri ng patimpalak ay nahahasa ang pagiging malikhain at ang pag-iisip ng mga mag-aaral upang makabuo ng isang slogan na akma sa tema ng pagdiriwang. Sa taong ito, ang tema ng buwan ng wika ay "Filipino : Wika ng Pambansang Kaunlaran" kaya ang slogan sa ibaba ay akma sa temang ito.
"Isulong ang Paggamit ng Wikang Filipino para sa Pag-unlad ng Bansa"