Makikita sa larawan ang tipikal na anyo ng isang lungsod-estado noong panahong klasikal kung saan madalas ay nagtitipun-tipon sa isang lugar o sento ang mga mga tao na may iba't ibang hangarin upang makagawa ng koneksyon sa iba pang mga tao. Nakikisalamuha na sila sa iba't ibang uri ng tao gaya ng mga mangangalakal, politiko, pilosopo, mandirigma, kababaihan o mga artista. Magkaiba man sila ng mga hangarin at ipinaglalaban nagtatagpu-tagpo pa rin sila sa isang lugar maaring sa sentro ng kalakalan upang makibalita o makipag-ugnayan sa iba.
Sa kasalukuyan, makikita ang malaking pagkakahawig nito dahil mayroon pa rin namang isang sentrong lugar na pagtatagpuan ng mga tao upang mangalakal o makisalamuha.Ang ipinagkaiba lang siguro ay nasa sari-sariling mga establisyemento na ang mga tao at kadalasan ay hindi na palaboy-laboy sa daan upang makipagkuwentuhan, makipagnegosasyon o kung anu pa man iyan.