Sagot :
Ang Japan ay tinaguriang "Land of the Rising Sun" na mula sa salitang Nippon o Nihon. Naniniwala ang mga Hapon sa Shintoism ang pinakamalaki at pinakatradisyunal na relihiyon sa Japan.Si "Kami" ang sinasamba nilang Diyos ng kalikasan na siyang ring Diyos ng Shintoism. Isa sa may pinakamaunlad na industriyalisasyon at ekonomiya ang Japan sa buong Asya.
Ang Korea ay binansagan ding "Hermit Kingdom" noon dahil minsang ng nagsolo ang bansa at hindi nakisalamuha sa iba dahil gusto nitong pagtuonang pansin ang pagpapaunlad sa sariling bansa na dumaan sa napakaraming pananakop ng dayuhan. "Chosun" o "Lupain ng Mapayapang Umaga" ang unang kaharian ng Korea. Pagkatapos ng World War II ay nahati ang Korea sa North at South Korea at nanatiling demokrasiyang liberal ang Timog Korea at komunista naman ang Hilagang Korea.
Ang China ay binansagan ding "The Sleeping Giant". Kilala sa bansang Tsina ang iba't ibang dinastiya ng mga pinuno. Ang "Great Wall of China"ay isang malapad at makapal na hanay ng mga bato na ginamit bilang harang sa mga nagpapalitang dinastiya noon araw na naging isa na sa pinakadinadayong lugar ng mga turista sa kasalukuyan. Pagdating sa ekonomiya at kaunlaran pumapangalawa sa Estados Unidos ang China.
Ang Mongolia ay tinawag na "Lupain ni Genghis Khan" dahil ito ay itinatag ni Genghis Khan at ginawang pinakamataong imperyo sa buong kasaysayan ng sinaunang kabihasnan.