Filipino wika ng pambansang kaunlaran
Isulong ang Kaunlaran, Wikang Filipino ay Huwag Kalimutan". Ito ay magandang slogan upang maipakita ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa kaunlaran ng bawat mamamayan. Ang wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas kung kaya't naiintindihan ito ng karamihan sa mg Pilipino sa bansa. Ito ang nagbubukas ng komunikasyon sa bawat Pilipino upang mas maging maayos ang pag-uusap at pagdidiskusyon ng mga tao sa bagay-bagay. Ito ang natatanging paraan upang mabuksan ang pag-iisip ng mga kababayang Pilipino upang mas magkaintindihan at magkaisa para sa kaunlaran.


Sagot :

  Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.

Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto ay alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997. Sa taong ito, ang pagdiriwang ng buwan ng wika ay may temang:
Buwan ng Wika 2015: “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran"