ano ang dalawang uri ng kamangmangan?

Sagot :

Answer:

Kamangmangan

Ang kamangmangan ay nagmula sa salitang mangmang na nangangahulugan na walang alam. Ang tao ay tinatawag na mangmang kung siya ay walang alam o walang ideya tungkol sa isang paksa na pinag uusapan. Gayunpaman, ang salitang ito ay hindi katanggap tanggap sapagkat ito ay isang paraan din ng pangiinsulto.

Ayon sa bibliya, ang kamangmangan o pagiging mangmang ay ang hindi wasto o maayos na paggamit ng paggamit ng tao sa kanyang isipan o kakayahang mag isip.

Ang dalawang uri ng kamangmangan:

  1. Kamangmangan na madaraig
  2. Kamangmangan na di madaraig

Kamangmangang madaraig

Kamangmangang madaraig o vincible ignorance ay ang kamangmangan kung saan ang isang tao ay gumawa ng pamaraan upang malampasan ito. Ang  pagkakaroon ng kaalaman dito ay nag uugat sa pagsisikap o pag-aaral.

Kamangmangan na di madaraig

Ang Kamangmangan na di madaraig o invincible ignorance naman ay ang kamangmangan kung saan ang tao ay walang magawang pamaraan upang malampasan ito. Ito ang uri ng kamangmangan na bumabawas o tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kaniyang kilos o pasiya.

Halimbawa ng tugon sa kamangmangang madaraig

  1. Pag iisip nang mabuti bago kumilos
  2. Pagbasa sa panuto bago sumunod

Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:

Halimbawa ng kamangmangan

https://brainly.ph/question/702848

Ano ang ibig sabihin ng kamangmangan

https://brainly.ph/question/457007

Paano mapagtatagumpayan ang kamangmangan

https://brainly.ph/question/1281352