ano ang ibig sabihin ng biswal

Sagot :

Kahulugan ng Salitang Biswal

Ang salitang biswal ay tumutukoy sa mga bagay na kadalasan ay mga larawan o mga dayagram na nagpapakita o nagpapaliwanag ng ideya o mga ideya.

Halimbawa sa biswal na sining o visual arts (https://brainly.ph/question/2354281), ang mga sining na likha ay kung titignan ay may mga nakatagong mga mensahe. Samantala, sa larangan naman ng pagtuturo sa paaralan, kung mapapansin ay may mga biswal na nilalagay sa pisara sa tuwing nagsasagawa ng pagpapaliwanag sa aralin. Ang mga biswal na ito ay maaaring larawan, dayagram, o mga teksto na nakasulat sa mga manila paper o kartolina. Ginagawa ito ng guro upang magsilbing suplemento sa tinatalakay na aralin (brainly.ph/question/2548673).

#LetsStudy