Ang talumpati ay naiiba sa ibang sanaysay sapagkat ito ay isang akdang pampanitikan na binibigkas sa harap ng mga manonood o tagapakinig. Isa itong malikhain at kapaki-pakinabang na diskusyon ng isang paksa na may layuning makahikayat sa paniniwala ng nagtatalumpati. Ang talumpati ay nauuri ayon sa pamamaraan ng pagtatalumpati at sa layunin nito. Sa kabilang banda ang sanaysay ay isang akda na nagpapahayag ng opinyon o personal na pananaw ng may-akda hinggil sa isang usapin o isyu. Ito ay inuuri lamang sa dalawa, ang pormal at impormal.