ano ang ibig sabihin ng rehiyon?

Sagot :

Answer:

Rehiyon

Ang rehiyon ay nangangahulugang isang panheograpiko at pang-administratibong paghahati-hati ng mga kalupaan upang epektibong maorganisa at mapamahalaan ang iba’t ibang mga lalawigan sa isang bansa. Ito ay isa ring bahagi ng daigdig na pinagbuklod ng magkakaparehong katangiang pisikal at kultura.

Noong 2015, mayroon nang labimpitong (17) rehiyon ang bumubuo sa Pilipinas, walo (8) sa Luzon, tatlo (3) sa Visayas, at anim (6) sa Mindanao at ang mga ito ay nahahati sa walumpu't dalawang (82) lalawigan. Nabuo ang mga rehiyon upang pangkatin ang mga lalawigan na may pareparehong katangiang kultural at etnolohikal.  

Nagsimulang ipinaloob ang mga lalawigan sa mga rehiyon noong 24 Setyembre 1972 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1 na nagsasaad na ang mga lalawigan ng bansa ay pinangkat sa labing isang (11) rehiyon bilang bahagi ng Integrated Reorganization Plan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ang labing isang (11) rehiyong ito ay ang mga sumusunod:

  1. Ilocos (Rehiyon 1)
  2. Lambak Cagayan (Rehiyon II)
  3. Gitnang Luzon (Rehiyon III)
  4. Timog Katagalugan (Rehiyon IV)
  5. Bicol (Rehiyon V)
  6. Kanlurang Bisayas (Rehiyon VI)
  7. Gitnang Bisayas (Rehiyon VII)
  8. Silangang Bisayas (Rehiyon XIII)
  9. Kanlurang Mindanao (Rehiyon IX)
  10. Hilagang Mindanao (Rehiyon X)
  11. Katimugang Mindanao (Rehiyon XI)

Ang mga lalawigan ang pangunahing subdibisyong politika. Ang mga ito ay napapangkat bilang rehiyon para sa madaliang pamamalakad at pamamahala. Karamihang tanggapan ng pamahalaan ay naitatawag bilang tanggapang pangrehiyon sa halip na paisa-isang tanggapang panlalawigan, at karaniwan sa lungsod na hinirang bilang kabisera ng rehiyon.

Para sa karagdagan pang kaalaman tungkol sa Rehiyon, magtungo sa mga link na:  brainly.ph/question/2133031

#LetsStudy