Sagot :
Suring – Basa: Ang Kwintas ni: Guy de Maupassant
Ang kwentong “Ang Kwintas” na isinulat ni Guy de Maupassant ay isang uri ng maikling kwento ng tauhan. Ito ay nagmula sa bansang Pransya o Republika ng Pransya na isang malaking bansa sa Europa. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang magandang babaeng nagngangalang Matilde na nangarap na maikasal sa isang mayaman at kilalang binata.
Ang kwento ng “Ang Kwintas”: https://brainly.ph/question/174834
Mga Tauhan:
- G. Loisel – ang kabiyak ni Matilde na nagtatrabaho bilang isang abang tagasulat.
- Matilde/Gng. Loisel – ang pangunahing tauhan ng kwento na isang nakabibighani at magandang babae ngunit mayroong simpleng pamumuhay.
- G. at Gng. George Ramponneau – ang Ministro ng Instruksyon Publiko at ang kanyang kabiyak na nagpadala ng isang paanyaya sa mag – aswang Loisel sa isang salu salo.
- Madame Forestier – ang kaibigan ni Matilde na nagpahiram sa kanya ng kwintas na maaari nyang gamitin bilang palamuti sa araw ng salu salo.
Buod:
May isang babaeng maganda at kaakit – akit nagngangalang Matilde ngunit hindi gaanong napapansin dahil sa kasimplehan ng kanyang pamumuhay. Nagpakasal siya sa isang tagasulat upang makilala at makahalubilo ang mga mayayaman at tanyag na tao ng kanilang lugar. Hindi naman siya nagkamali sa kanyang pag aakala ng minsang magpadala ng paanyaya ang mag – asawang Ramponneau para sa isang salu salo.
Palibhasa’y dukha, minabuti ni Matilde na humiram ng palamuti sa kanyang kaibigang si Madame Forestier upang maging presentable para sa araw ng salu salo. Bukod dito ay humingi rin siya ng pambili ng bagong damit sa kanyang asawa upang ipares sa kanyang nahiram na palamuti. Naibigan niya ang isang kwintas na pagmamay – ari ng kaibigan na sa palagay niya ay bagay na bagay sa kanyang bagong bestida.
Tumingkad ang kanyang kagandahan sa naganap na salu salo at hindi siya nabigo na maungusan ang mga kababaihang naroroon. Inabot sila ng madaling araw sa pakikipagkasiyahan kaya naman minabuti na nilang umuwi dulot ng magdamag na kwentuhan. Sa kanilang pag uwi ay nawaglit niya ang kwintas na nakasabit sa leeg at tuluyang nawala.
Dahils sa labis na hiya at takot sa kaibigan ay minabuti ng mag asawa na palitan ang kwintas. Nag ipon sila ng perang mag asawa upang makabili ng kwintas na maaaring ipalit sa kanyang nawala. Pinalad naman silang makabili ng kapalit at ibinalik niya it okay Madame Forestier ngunit panlulumo ang kanyang naramdaman ng malaman na ang kwintas na nawaglit ay hindi kasing halaga ng kanyang ipinalit dito.
Buod ng “Ang Kwintas”: https://brainly.ph/question/201867
Mensahe:
Ang kwento ng “Ang Kwintas” ay nagtuturo sa mga mambabasa kung paano maging panatag at masaya sa simpleng buhay. Ang labis na pagpapahalaga sa mga materyal na bagay na nakikita natin sa ating kapwa ang kadalasang nagtutulak sa tao upang makagawa ng hindi mabuti sa sarili at sa kanyang kapwa.
Ang kagustuhan ni Matilde na maging tanyag at mapantayan ang mga tanyag na tao sa kanilang lugar ang nagtulak sa kanya upang gamitin ang perang kinita ng kanyang kabiyak sa pagbili ng damit at pagbabayad sa nawalang kwintas na kung iisipin ay pawing mga materyal na bagay lamang.
Mensahe ng kwentong “Ang Kwintas”: https://brainly.ph/question/812404