Ang salitang tangán ay isa sa mga lumang Tagalog na pumapakahulugan sa salitang 'hawak-hawak' o 'dala-dala'. Ito ay may ibig-sabihin na ang isang bagay, tao, o maging pook ay 'may hawak' at/o 'nagtataglay' ng isa pang bagay o isang estado/pangyayari. Isa sa halimbawa nito sa salita ay ang doorknob (tatangnán ng pinto, 'tatangnán' ang iba pang tawag sa hawakan).