ano ang damdaming nangingibabaw sa tulang bayani ng bukid

Sagot :

Ang damdaming nangingibabaw sa tulang "Bayani ng Bukid" ay ang pagiging mapagmahal ng mga magsasaka sa kanilang ginagawa tulad ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop. Malinaw na ipinapakita sa kwento na hindi umuurong ang ating mga bayani sa bukid na mga magsasaka sa pag-aalaga sa mga pananim kahit gaano man kainit o kalamig. Hindi nila alintana ang ganitong panahon sapagkat alam nilang kapag hindi naalagaan ng tama ang mga pananim ay hindi magkakaroon ng magandang ani at hindi ito magiging sapat sa pangangailangan ng pamilya o maging sa lahat.