Ang sikat na burol sa bayan ng Carmen sa probinsya ng Bohol ay ang tinaguriang Chocolate Hills. Sa tuwing panahon ng tag-init, natutuyo ang mga berdeng damo na bumabalot sa mga burol na naririto. At dahil dito, ang mga damong tuyo ay nagkukulay tsokolate na siyang dahilan kung bakit Chocolate Hills ang tawag sa kaburulunan na ito. Mayroong humigit-kumulang na 1,300 burol na bumubuo sa Chocolate Hills.