Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Heto ang isang halimbawa ng isang sanaysay tungkol sa wika na may temang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.
Kung may pagkakaintindihan,
may pagkakaisia at kung may pagkakaisa, may kaunlaran.
Ang wikang Filipino ang
pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ayon sa Komisyon sa
Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at
pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang
sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Dahil dito, may iisang pambansang wikang kinikilala at
ginagamit bilang pambansang kasangkapan sa pagkakaunawaan ang bawat
Pilipino. Mas nabigkis ang bawat isa dahil sa mabisang komunikasyon at
walang hadlang sa pagkakaintindihan. Mas malinaw na transaksyon sa kalakalan sa
pagitan ng isa't-isa. Ang kaunlaran at pag-usbong ng pamumuhay ay magandang
dulot ng pagkakaunawaan.
Kaya naman magtulungan at
paunlarin ang wikang Filipino upang bayan natin ay may pag-unlad.