Sagot :
Paksa. Ang paksa sa kwentong "Ang Kuba sa Notre Dame" ay tungkol kay Quasimodo , ang isang napakapangit na kubang umibig sa napakagandang mananayaw. Ipinakita sa kwento kung paano tinatrato ng lipunan ang isang katulad ni Quasimodo na kakaiba.
Balangkas ng Pangyayari.
Si Quasimodo ay isang napakapangit na kuba na inampon ni Fr. Frollo at umibig sa isang napakagandang mananayaw na si La Esmeralda. Si Fr. Frollo man ay umiibig din kay La Esmeralda at gumagamit ng itim na mahika para makuha ang gusto niya. Isang araw tinambangan ni Fr. Frollo si La Esmeralda ngunit hindi natuloy ang masama nitong balak sa dalaga. Pinaako niya kay Quasimodo ang ginawa at nakatakdang bitayin si Quasimodo ngunit nakiusap si La Esmeralda kaya't pinalaya ito. Isang kapitan ng kawal ang umibig kay La Esmeralda ngunit pinagtangkaan itong patayin at pinagbintangan si La Esmeralda kaya siya hinatulang ibitay. Pinapamilil siya ni Fr.Frollo "bitay o ang ibigin siya", ngunit mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay. Nang makita ni Quasimodo na wala ng buhay ang dalaga ay inihulog niya mula sa tore ang pari bilang paghihiganti. Mula sa araw na iyon ay hindi na siya nakita pa ngunit nang hukayin ang labi ni La Esmeralda ay nakitang nakayakap sa kalansay nito ang kalansay ng isang kuba.
Masasalamin sa kwento ang malinaw na diskriminasyon sa lipunan na pumapanig sa mga taong may mataas na antas maging sa estado ng buhay o sa panlabas na kaanyuan man.
Ang mga tauhan sa kwento ay sina:
Quasimodo- isang napakapangit na kuba
La Esmeralda- isang napakagandang mananayaw
Pierre Gringoire - isang pilosopo
Claude Frollo - isang pari na nagnanasa kay La Esmeralda
Phoebus - kapitan ng mga kawal