Ang dalisdis ay isang pangngalan na ang ibig sabihin ay ang rabaw ng lupa na dahilig, gaya ng gilid ng gulod, matarik na pampang at iba pang katulad nito. Ito ay tumutukoy sa medyo pa-slant na bahagi ng gilid ng isang bundok o pampang. Karaniwan sa mga lupain kung saan maraming mga bulubundukin at sadyang matataas ang mga bundok dito ay tinatamnan nila ng kung anu-anong mga tanim ang dalisdis ng mga bundok upang magamit naman ito at malinang din ang likas na yaman ng bansa.