Mga halimbawa ng tanaga at dalit na tula

Sagot :

Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral agimas at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan
 
May estruktura itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

"KULTURA"
Angkinin natin ito
Yamang gaya ng ginto
Nakawi'y imposible
Iba 'pag kultura eh



Ang dalít naman ay isang tula na maaaring mabuo sa isang saknong gaya ng tanága at diyóna. Ito ay binubuo ng apat na taludtod na may sukat na wawaluhin ang bawat taludtod.

Ito ang isa sa dalawang pinakapopular na anyo ng matulaing pahayag sa buong Katagalugan.

Sa dalít ipinahahayag ng mga Tagalog ang kanilang matatayog na kaisipan at mabibigat na damdamin.


Narito ang isang mapagpatawang dalít noon:

“Isda akong gagasapsap, 
Gagataliptip kalapad, 
Kaya nakikipagpusag, 
Ang kalaguyo’y apahap.”

Ang awit sa huwégo de prénda kung lamayan ay gumagamit ng anyong dalít, gaya sa sumusunod na koro:

“Sa Diyos natin ialay 
Kaluluwa ng namatay; 
Patawari’t kaawaan 
Sa nagawang kasalanan.”