Sagot :
ANG KAHULUGAN NG ARTS
Ang Arts ay ibigsabihin sa tagalog ay SINING- ito ay medyum upang ipahiwatig ang ating nararamdaman sa mga bagay na nakapalibot sa ating buhay. Maraming uri ng sining: pagsusulat, pagsayaw, pagkanta, pagarte, pagpinta, iskultura, at marami pang iba.
- Sa panahon ngayon, maraming sining na makabago at kakaiba na nagsisisulpuntan sa iba’t ibang dako ng mundo at mga paraan upang maisagawa ito. Sa visual arts, maraming kakaibang sining ang naisasakatuparan. Mayroong pinagsasama ang pagpinta at iskultura, may street art, installations, may video na, at marami pang iba.
- Sa sobrang bangibi ng mga sining sa ating kasalukuyang panahon, maraming napag-iiwanan ng panahon sa paggawa ng iba’t ibang medium ng sining kaya marami ring hindi nakauunawa o nakaiintindi sa ganitong klase ng pagsasagawa sa sining. Sa internet, maraming digital art at graphic design na naka-post sa mga art websites sa. Makikita mo roon ang iba’t ibang klase ng digital art at kung papaano ito kalaganap sa ating kasalukuyang panahon. Maraming young artist, mga pintor, at propesyonal na graphic designers ang tumatangkilik nito dahil dito nakahuhugot sila ng iba’t ibang klase ng ideya at iba’t ibang paraan ubang maging kakaiba ang kanilang mga gawa. Kung titingnan mo ang Internet ngayon, maraming iba’t ibang sining na nagpapahiwatig ng iba’t ibang istorya. Mayroong, pangpulitika, panlipunan, imahinasyon, surreal, advertising, relihiyon, at marami pang iba.
- Ngunit ang karamihan na ginagawan ng sining ay ang relihiyon. Simula pa sa panahon nila Leonardo da Vinci at Michelangelo, relihiyon na ang pinakamainit na paksa sa pagpinta. Mayroong positibo at negatibong kahulugan ang sining simula noon hanggang ngayon. Sabi nga ni Piccaso, “Art is a lie that makes us realize truth.” ang sining ay medyum upang ipahiwatig mo ang iyong nararamadaman at ang iyong opinyon sa mga bagay na iyong nakikita. Para sa akin, ang sining ay isang sagradong pamamaraan upang ipahiwatig ang iyong nararamdaman na walang sinuman ang puwedeng lumapastangan nito. Binigay ito ng Diyos upang maipahiwatig natin ang mga bagay-bagay sa mundong ito sa malikhaing pamamaraan.
- Ang visual arts ay walang katumbas na kahulugan sa pamamagitan ng salita, kaya nga siya tinawag na visual na sining. Ito ay may kahulugan ngunit walang saktong depinisyon ang pwedeng ibigay sa sining sapagkat ito’y ipinapaliwanag at pinagtatalunan. Ang sining ay napakalawak at napakahirap intindihin at walang sinuman ang pwedeng magbansag na ang sining na ito at hindi isang sining sapagkat walang nakaaalam ng depinisyon nito. Ang sining ay magkahulugan para sa bawa’t isa satin, kaya ito ay tinatawag na sining.
Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa link:
https://brainly.ph/question/945705
https://brainly.ph/question/1485349
https://brainly.ph/question/602417
#LetsStudy