wika ng pambansang kaunlaran

Sagot :

Ang Agosto ang siyang idineklarang pambansang buwan ng wika taun-taon. Sa taong ito, ang tema ng pagdiriwang ng buwan ng wika ay "Wikang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran". Sa paglipas ng panahon at paglitaw ng siyensya at teknolohiya ay makikita ang unti-unting pagpapahalaga sa sariling wika, ang Filipino. Upang ipaalala sa lahat ang kahalagahan at kapakinabangan ng ating wika kaya't nagdiriwang tayo ng taunang buwan ng wika. Ipinaalala sa atin ng tema sa taong ito na ang ating sariling wikang Filipino ang wikang ginamit natin simula noong tayo'y sinakop hanggang sa makalaya kung kaya't bahagi ito ng pambansang kaunlaran.