Ano ang ibig sabihin ng bulkanismo

Sagot :

Ang bulkanismo ay resulta ng pag-akyat ng magma mula sa mantle paakyat sa crust hanggang makalabas ito patungo sa ibabaw na bahagi ng lupa. Ito ay bunga ng pagbabanggaan o paghihiwalay ng mga plate tectonics ng mundo kung saan kadalasan ang mahihinang bahai ng crust ang nagbibigay daan upang magsimulang umakyat ang magma patungo sa crust. Ang bulkanismo ay kadalasang makikita sa Pacific Ring of Fire na kinalalagyan ng maraming aktibong bulkan sa mundo. Ang pangyayaring ito ay sadyang nakapipinsala at maaring makasira ng kalikasan at kumitil ng maraming buhay.