paraan ng pagtatanim/pag-aalaga ng fortune plant

Sagot :

Ang mga fortune plants ay sinasabing nakapagdadala at nakapagbibigay ng swerte sa tahanan o taong meron nito. Sila ay madali lamang alagaan at mas maganda kung sa loob lamang sila ng bahay kung saan hindi sila natatamaan ng direktang sinag ng araw. Kumuha lamang ng mga maliliit na bato at ilagay sa sisidlan o paso para sa halaman at lagyan into ng katamtamang dami ng tubig. Palitan ang tubig sa paso kada-linggo o kaya'y mas higit pa dito depende sa laki ng fortune plant. Ilagay sila sa mga lugar na hindi sila natatamaan ng direktang sikat ng araw dahil nakakasira ito ng kanilang mga dahon. Huwag ding kalimutan na lagyan ito ng pataba isang beses sa isang buwan.