Ang kuba ng Notre Dame ay kwento tungkol sa isang kubang napakapangit at kinukutya at inaalipusta ng maraming tao sa Paris na umibig at nabigo sa isang napakagandang mananayaw. ito ay isinulat ni Victor Hugo dahil maaaring nais lamang niya ipaalam ang sitwasyon ng lipunan noon. Ang mga nangyayari sa buhay ni Quasimodo ay inihalintulad marahil sa pamumuhay ng isang ordinaryong tao sa Paris. Iminulat niya ang mga mata at isipan ng mga mambabasa tungkol sa katotohanan sa mapanghusgang lipunan at sa mga mapanlinlang na mga personalidad sa lipunan.