Ilan ang patinig?at Ilan ang katinig?


Sagot :

May dalawamput walong titik na bumubuo sa Alpabetong Pilipino. Ito'y binubuo ng mga patinig at katinig. Ang patinig ay binibigkas nang walang paghihigpit sa daanan ng boses. Ang katinig naman ay binibigkas ng may pagsasara sa daanan ng boses. Ang bilang ng patinig ay lima (5) at dalawamput tatlo (23) naman ang bilang ng katinig.

Alpabetong Pilipino

Ang Alpabetong Pilipino ay tumutukoy sa alpabeto ng wikang Filipino. Ang bilang ng titik ng Alpabetong Pilipino noon ay dalawampu (20) lamang. Ito ay tumutukoy sa ABAKADA. Sa makabagong Alpabetong Pilipino ay dalawamput walo na ang titik. Ito ay dahil sinamahan na ito ng mga hiram na letra.

Mga Patinig

May limang patinig sa Alpabetong Pilipino. Ito ay ang mga titik A, E, I, O at U. Kung mapapansin, ang pagbigkas ng mga tunog ng mga ito ay banayad lamang. Walang paghihigpit na nagaganap sa anumang daanan ng boses. Narito ang ilang salita na nagsisimula sa patinig:

  • abaniko
  • eroplano
  • itlog
  • orasan
  • ubas

Mga Katinig

Ang dalawamput tatlong titik naman na natira sa Alpabetong Pilipino ay katinig. Kasama sa katinig ang mga hiram na letra. Ito ay ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X at Z. Ang ilan pang titik ay B, D, G, H, K, L, M, N, Ng, P, R, S, T, W at Y. Narito ang ilang salita na nagsisimula sa katinig:

  • bubong
  • daga
  • kalabaw
  • lapis
  • prutas

Karagdagang halimbawa ng salita na nag-uumpisa sa patinig at katinig:

https://brainly.ph/question/860083

#LearnWithBrainly