Sino Sino ang mga pangkat ng Tao Sa pamayanang Minoan ?

Sagot :

Ang kabihasnang Minoan ay dating kabihasnan sa pulo ng Creta na nabuo noong Panahon ng Tansong Pula. Ang kabihasnang ito ay mula sa pangalan ni Haring Minos, ang isang tanyag na siyang nagtayo ng kabihasnang ito. Mayroong apat na pangkat ng tao sa pamayanang Minoan. Ito ay ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka at ang mga alipin. Para ring sistemang caste sa India ang pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa Minoan na nakabatay sa panlipunang estado nito.