Ang kauna-unahang maidudulot ng kakulangan sa baon ay kagutuman. At kung ang isang tao ay nagugutom maari kang magkasakit, hindi ka makakapagbigay ng sapat na pansin sa iyong pag aaral sapagkat ang iyong iisipin lamang ang iyong sikmura.
Madalas nagiging dahilan din ito nang pag nanakaw dahil sa sobrang gutom iyon nalang ang tahing sulosyon na maiisip nang isang tao sapagkat wala siyang pangbiling pagkain.
Maiingit siya sa kanyang mga kamag-aral na kumain ng masasarap samantalang siya ay walang makain.
Para sakin hindi naman pagsinabing baon ay pera na agad kung wala tayong perang maibigay sa kanila. Pabaunan natin sila ng kanin at ulam, o tinapay dahil dito, alam natin na malinis ang kinakain ng mga bata at hindi sila makakagawa ng masama.