Balangkas ng mga pangyayari sa cupid at psyche ?

Sagot :

Narito ang balangkas ng mga pangyayari sa Cupid at Psyche
- Ipinag-utos ni Venus na puntahan ni Cupid si Psyche upang isumpa na iibig sa isang halimaw.- Pumunta si Cupid kay Psyche ngunit hindi naisagawa ang utos ng ina dahil siya man ay nahumaling kay Psyche. - Umuwi si Cupid na hindi ipinagtapat sa ina ang tunay na nangyari.- Sa kabilang banda, inihatid ng tatay ni Psyche papuntang bundok dahil ito lang ang paraan para mailigtas si Psyche sa isang panghabangbuhay na pag-iisa dahil walang umiibig sa kanya.- Natagpuan ni Psyche ang kanyang sarili sa isang palasyo kasama ang asawang hindi niya makita ang mukha- Dumalaw ang mga kapatid ni Psyche sa kanya at sinulsulan si Psyche na alamin ang tunay na anyo ng asawa dahil baka ito ay isang halimaw.- Sinunod ito ni Psyche, dahilan kaya't nasaktan si Cupid at umalis upang magpagaling sa kanilang palasyo.- Sinundan siya ni Psyche upang suyuin ngunit pinahirapan lamang siya ni Venus, ang nanay ni Cupid.- Nalaman ito ni Cupid kaya't hiningi nito ang ambrosia mula kay Jupiter na siyang susi sa pagiging imortal ni Psyche.\- Mula noon naging imortal na si Psyche at namuhay sila ng maligaya.