gumawa ng sanaysay tungkol sa wikang pambansang kaunlaran

Sagot :

Kung bibigyan ka ng pagkakataong palitan ang iyong wika? Ano iyon? Kung ako ay magkakaroon ng pagkakataon paulit-ulit kong pipiliin ang Filipino bilang wikang gagamitin. Ang wikang Filipino ay simbolo ng isang madugong pakikipaglaban para sa kalayaan at kapayapaan. Isa ito sa mga bagay na kailanman ay hindi pwedeng agawin ng kahit sinong mananakop dahil ito ay atin, ating mga Pilipino. 

Ang wikang Filipino ay simbolo ng kalakasan ng ating mga ninuno at ng hudyat ng pag-asa ng pag-unlad sa hinaharap. Isa itong malinaw na paalala na ang kalayaan natin ngayon ay binuwisan ng buhay. Ang wikang Filipino na ating ginagamit ay ang magiging daan para makilalang muli ang Pilipinas hindi bilang isang bansang mahina kundi bilang isang bansang minsan ng bumagsak ngunit bumangon.