100 na halimbawa ng magkasingkahulugan na salita

Sagot :

Ang kasingkahulugan (synonyms) ay ang/mga salitang may kapareho ng kahulugan. Maraming mga salita ang may magkakapareho ang kahulugan. Mas magiging malawak ang bikabolaryo mo kung alam mo ang mga ito. Magiging mas masarap basahin ang isang dokumento na gumagamit ng mga magkakasingkahulugang mga salita.

100 na halimbawa ng magkasing-kahulugan na salita

  1. Aksidente -  sakuna
  2. Alaala- gunita
  3. Alam- batid
  4. Alapaap- ulap
  5. Angal- reklamo
  6. Angkop- akma, bagay
  7. anyaya -imbita, kumbida
  8. anyo -itsura
  9. aralin -leksiyon
  10. asal -ugali
  11. asul -bughaw
  12. away- laban, basag-ulo
  13. bagyo- unos, sigwa
  14. bahagi- parte
  15. bahala - mananagot
  16. balat-sibuyas- maramdamin
  17. baliktad- tiwarik, saliwa
  18. bandila -watawat
  19. bantog -tanyag
  20. basahan- trapo
  21. bata- musmos, paslit
  22. batayan- basehan
  23. berde- luntian
  24. bigat -timbang
  25. bihira -madalang
  26. bilanggo- preso
  27. bintang- paratang
  28. bisita -panauhin
  29. boses- tinig
  30. braso- bisig
  31. bukod-tangi- naiiba
  32. bulok- panis
  33. bumagsak -lumagpak, natumba
  34. bunga -resulta
  35. buod -lagom
  36. butil- buto
  37. dahan-dahan- hinay-hinay
  38. dahilan- sanhi
  39. dala- hatid
  40. dalampasigan- baybayin
  41. damdamin -saloobin
  42. dami -bilang
  43. dasal -dalangin
  44. dayuhan- banyaga
  45. dekorasyon- palamuti
  46. deretso -tuwid
  47. desisyon- pasiya
  48. digmaan -giyera
  49. dilat- mulat
  50. dulo -hangganan
  51. duwag- bahag-buntot
  52. edad- gulang
  53. eksperto- dalubhasa
  54. gaod -sagwan
  55. gayahin- tularan
  56. giba -wasak
  57. gitna -sentro
  58. gobyerno -pamahalaan
  59. gramatika -balarila
  60. grupo -pangkat
  61. gumaling -maghilom
  62. gusto- ibig, hilig, nais
  63. haka- hinala
  64. hampas- palo
  65. hanapbuhay- trabaho, okupasyon
  66. handog -alay
  67. hangad- layon, nasa, nais
  68. harang -hadlang
  69. hardin -halamanan
  70. hatol -husga
  71. hila- higit, hatak
  72. himala --milagro, mirakulo
  73. himig -tono
  74. hinto- tigil, humpay
  75. hinuli -dinakip
  76. hiram- utang
  77. hugis -korte
  78. hurno- pugon
  79. huwaran -modelo
  80. iboto -ihalal
  81. iniwan- nilisan, pinabayaan
  82. kaakit-akit maalindog
  83. kadamay- kasangkot
  84. kaibigan -katoto
  85. kalbo- panot
  86. kalihim- sekretarya
  87. kama -higaan
  88. kamukha- kahawig
  89. kapos- kulang
  90. karaniwan- ordinaryo
  91. kasabay -kasama
  92. kasali -kalahok
  93. katarungan- hustisya
  94. katas -dagta
  95. katibayan- prueba, patunay
  96. katulad -kawangis, kapareho
  97. kirot -hapdi, sakit
  98. kopya- huwad, palsipikado
  99. criminal- salarin
  100. kuwento- salaysay

Ano ang kahulugan ng antonyms at synonyms? Basahin sa brainly.ph/question/558992.

Ano ang kasingkahulugan ng salitan bagyo? Alamin sa https://brainly.ph/question/2098186.

Ano ang kasingkahulugan ng salitang maihahatid? Basahin sa https://brainly.ph/question/2128804.